-- Advertisements --
LAOAG CITY – Naitala ang ikalawang kaso ng MERS-Cov o Middle East respiratory syndrome sa Saudi Arabia.
Sa impormasyong ipinaabot sa Bombo Radyo ng isang overseas Filipino worker na si alyas Mae, taga-Ilocos Norte pero kasalukuyang nagtatrabaho bilang midwife sa Saudi, iniulat nito na isa na namang Indonesian nurse ng nagpositibo ng nasabing sakit.
Una nang kinumpirma ni Mae na nagpositibo sa nasabing sakit ang isang Pinay nurse na kasama rin ng Indonesian.
Napag-alaman na ang mga biktima ay parehong nagtatrabaho sa Alhayat Hospital Khamis.
Natuklasan na positibo ng MERS-Cov ang Indonesian matapos isinailalim lahat ng throat swab culture test ang mga kasama sa trabaho ng Pinay nurse.