Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group ang isang Indonesian national na sangkot sa pagdukot sa dalawang Chinese POGO workers.
Ayon kay Police Major Rannie Lumactod, Spokesperson ng AKG, nahuli nitong Linggo ang suspek na si Falendra alyas Parker sa Salamanca St, Brgy. Poblacion, Makati City.
Ikinasa nila ang operasyon matapos personal na dumulog sa mga pulis ang isa sa mga biktima nito na nakatakas sa pagdukot noong June 20.
Kwento ng Chinese victim, dinukot sya ng suspek noong June 18 sa Makati at dinala sa Tagaytay City.
Nagawa rin daw syang saktan ng mga dumukot sa kanya.
Napag-alaman sa imbestigasyon, na ang suspek din ang nasa likod ng pagdukot sa isa pang Chinese sa Makati.
Lumalabas din na magkasama sa iisang kumpanya ang suspek at mga biktima sa POGO Makati at hindi umano nabayarang utang ang motibo.
Mahaharap sa kasong kidnapping and serious illegal detention ang suspek.
Patuloy naman na tinutugis ang iba pa nyang kasamahan.
Nakilala ang dalawang Chinese victim na sina Xiong Lifei na nakatakas nuong June 20.
Nananatilinpa rin sa kustodiya ng kaniyang mga kidnappers ang pinsan ni Xiong na su Xie Pei Wu na dinukot nuong June 21.
Ayon kay Lumactod humihingi ng 1million Chinese renminbi o katumbas ng P7 million ransom ang mga kidnappers.