Nailigtas na Armed Forces of the Philippines (AFP) ang huling Indonesian na bihag ng Abu Sayyaf group (ASG).
Sinabi ng Western Mindanao Command (Wesmincom) nakita ang mangingisdang si Muhammad Fahan sa Barangay Bato-Bato matapos na makakuha ng impormasyon kung saan ito.
Dagdag naman ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, Wesmincom commander, pinuntahan nila ang lugar mula sa sumbong sa kanila na may kahina-hinalang tao na naglalakbay na mag-isa.
Hindi rin ito makausap ng mga tao dahil hindi marunong makapagsalita ng Tausog kaya malaki ang hinala nila na ito ang dinukot na mangingisdang Indonesia.
Bago sa kaniyang pagkakaligtas ay tumakas umano ito sa kaniyang mga bumihag sa kaniya nitong nakaraang dalawang araw.
Dinala agad ito sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital para sa medical examination bago ito na-airlift sa Camp Navarro General Hospital.
Noong Setyembre 2019 ng dukutin ng Abu Sayyaf si Farhan kasama ang dalawa pang mangingisdang Indonesia habang sila ay nasa karagatan sakop ng Malaysia malapit sa southern Mindanao.
Unang na-rescue ang dalawang kasamahan nito noong December 2019.