-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang hiling ng mga kapulisan ng Jakarta, Indonesia na pag-barter kay Alice Guo.

Ayon sa kalihim na nais nilang ipalit kay Guo ang naarestong Australian drug kingpin na si Gregor Johann Haas.

Si Haas ay naaresto ng Bureau of Immigration sa Bogo, Cebu noong Mayo 15.

Mayroong arrest warrant si Haas mula sa National Narcotics Board ng Indonesia noong Enero 29 dahil sa pagtatangkang pagpuslit nito ng limang kilo ng iligal na droga galing sa Mexico patungong Indonesia.

Magugunitang naaresto ang pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor sa Tangerang City at kasalukuyang nasa kustodiiya na ng kapulisan ng Indonesia.

Sinabi pa ni Remulla na kanilang pag-aaralan ang nasabing hiling ng mga kapulisan.