Napili ni Indonesian President Joko Widodo ang silangang bahagi ng Borneo bilang bagong capital ng bansa.
Ito ay dahil sa pakonti-konti ng lumulubog dahil sa dami ng populasyon ang kasalukuyang capital ng bansa ang Jakarta.
Ang napiling lugar ay matatagpuan sa probinsiya ng Silangang Kalimantan na madalang tamaan ng natural disaster.
Sinabi ng Pangulo sa pagiging independent ng bansa sa loob ng 74 taon ay hindi sila nabigyang ng pagkakataon na makapamili ng kanilang capital city.
Inaasahan na magpapadala ng draft bill ang gobyerno na aaprubahan ng parliyamento.
Aabot sa $33 bilion ang posibleng gagastusin ng bansa sa nasabing proyekto.
Sa kasalukuyan ang megacity na Jakarta ay unang kinilala bilang capital noong 500 taon na ang nakakalipas mula sa Dutch colonist.
Pinangangambahan ng mga environmental experts na ito ay lulubog na hanggang 2050 dahil sa patuloy na groundwater extraction.
Bukod pa dito sa labis na pollution at laging natatamaan ng lindol at mga pagbaha.