Iniutos na ni Indonesian President Joko Widodo ang pagpatigil ng Indonesian football match.
Ito ay kasunod ng nangyaring stampede kung saan, 129 na mga indibidwal ang namatay at masobra naman sa 180 ang nasugatan sa football match sa Kanjuruhan stadium sa Kepanjen, Indonesia.
Unang sinabi ng otoridad na nasa masobra sa 170 ang namatay ngunit, ibinaba ito sa 129.
Ayon kay Bombo Ginavella Cumla, international correspondent sa Indonesia, hanggang hindi matapos ang imbestigasyon sa insidente, ititigil muna ni Widodo ang anuman na football match sa kanilang bansa.
Nilinaw naman ng Federation Internationale de Football Association o mas kilala na FIFA na dapat na walang anumang crowd control gas na gagamitin sa anumang palaro.
Ayon pa kay Cumla, tinatayang 3,000 na mga fans ang nasa loob ng stadium nang nangyaring insidente.
Kung maaalala, nagkagulo ang mga suporters ng Javanese clubs na Arema at Persebaya Surabaya matapos na natalo ang Arema sa laro sa score na 3-2.
Dito at sumugod ang mga supporters ng Arema na naging sanhi ng pag-fire ng tear gas ng otoridad na naging rason ng crowd stampede at cases ng suffocation.