-- Advertisements --

Nagboluntaryo si Indonesian President Joko Widodo na siya ang unang magpaturok ng COVID-19 vaccine sa kanilang bansa.

Sinabi nito na ang nasabing bakuna ay para sa lahat ng kaniyang mga mamamayan.

Marami kasing umalma matapos na iulat ng gobyerno na tanging mga health workers, mga may edad at ilang mga key personnel ang mabibigyan ng bakuna ng libre.

Nauna ng bumili ang Indonesia ng 350 million vaccine doses sa iba’t-ibang kumpanya kabilang ang British-Swedish firm na AstraZeneca at Chinese suppliers na Sinovac.

Pumapalo na sa 630,000 ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa na mayroong 19,000 na ang nasawi.