-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Indonesian President Joko Widodo ang pagpaprioridad ng pagliligtas sa mga biktima na natabunan ng kanilang kabahayan matapos ang pagtama ng magnitude 5.6 na lindol sa West Java nitong Lunes ng gabi.

Personal na binisita kasi ng Indonesian President ang lugar kung saan aabot na sa 268 katao ang nasawi.

Ayon sa National Disaster Mitigation Agency (BNPB) na mayroong 151 katao ang nawawala pa at karamihan din sa mga nasawi ay mga bata dahil sa nasa paaralan ang mga ito noong naganap ang lindol.

Mayroong mahigit 22,000 kabahayan ang nasira at mahigit 58,000 katao rin ang dinala sa mga evacuation center.

Matapos kasi ang lindol na may lalim na 10 kilometro ay sinundan ito ng ilang mga aftershocks na siyang nagpalala sa mga kabahaan.

Karaniwan na kasing nagaganap ang lindol sa Indonesia dahil ito ay matatagpuan sa “Pacific Ring of Fire” kung saan madalas ang tectonic activities.