GENERAL SANTOS CITY – Magsasagawa na rin ng magkahiwalay na imbestigasyon ang Commission on Election (Comelec) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para malaman ang katotohanan na naging 4P’s beneficiary din ang ilang Indonesian nationals na nasa Balut Islands at Sarangani province.
Una nang naalarma ay si Comelec-12 director Atty. Michael Abas matapos malaman na ilan sa mga dayuhan ay nakaboto na sa nagdaang halalan.
Basi sa data, mahigit sa 2,600 na mga Indonesians na nakatira sa Balut Islands na may hawak na alien certificate subalit mahigit sa 1,000 lamang daw ang nagre-renew.
Dagdag pa ni Director Abas, dapat ay Pinoy lamang ang maaaring bomoto sa halalan.
Pinaghihinalaang pumasok ang nasabing mga Indonesians sa pamamagitan ng sekretong pagdaong sa Balut Islands o kaya sa Sarangani bay at kalaunan ay nakapag-asawa hanggang sa nagkaanak.
Nalaman na naging opisyal pa sa barangay ang iba sa kanila na labas pasok lamang sa bansa.