-- Advertisements --

Pinagmulta ng $3,000 ang kumpanya kung saan ginanap ang indoor rally ni US President Donald Trump dahl sa paglabag sa coronavirus guidelines ng estado ng Nevada.

Ayon kay Kathleen Richards, senior public information officer ng Henderson City, na mayroon silang nakitang anim na paglabag gaya ng pagdalo ng mahigit 50 katao at ang hindi pagsunod sa physical distancing sa indoor facility na pag-aari ng Xtreme Manufacturing.

Binigyan na rin ng Business License Notice of Violation ang nasabing kumpanya.

Mayroong 30 araw na sagutin at bayaran ng kumpanya ang nasabing multa.

Magugunitang umani ng batikos ang ginawang indoor campaign ni Trump dahil marami ang hindi nakasuot ng face mask at ilang paglabag sa COVID-19 protocols.