-- Advertisements --
Nananatiling walang pa ring panalo ang men’s and women’s hockey team ng bansa sa Southeast Asian Games sa Cambodia.
Tinambakan kasi ng Indonesia 20-0 ang men’s hockey team sa na nagbigay sa ikatlong pagkatalo ng bansa sa SEA Games.
Masaklap din ang pagkatalo ng womens’ Hockey team sa score na 14-1.
Tanging si Jaylene May Lumbo ang nakapagtala ng nag-iisang puntos para sa Pilipinas.
Maguguntiang kapwa natalo sila ng Malaysia at Thailand sa pagsisimula ng torneo ng hockey.