-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 04 14 50 13

DAGUPAN CITY -Apektado na umano ang industriya ng baboy dahil sa African swine fever sa bayan ng Mapandan, Pangasinan.

Tigil operasyon ang mga hog traders dahil sa protocol na 1-7-10 kung saan mahigpit na pinagbabawal ang paglabas at pagpasok ng baboy sa barangay Baloling sa nasabing bayan.

Napag-alaman na umabot na sa 1163 baboy na nasa 1 kilometer radius ang pinatay at ibinaon kamakailan matapos na magpositibo sa african swine fever ang mga baboy na galing Bulacan na dinala sa lugar.

Kabilang sa mga pinatay ay ang 10 baboy na nasa halos P100,000 ang halaga.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng provincial government ang resulta ng blood test sa mga baboy mula sa 7 kilometer radius sa barangay Baloling na itinuturing na ground zero dahil sa ASF.