-- Advertisements --
Bumagal ang pag-usad ng tropical depression Ineng, habang nasa silangan ng Southern Tagalog.
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,155 km silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Inaasahang bukas ay lalakas pa ito bilang tropical storm, ngunit maliit ang tyansang tumama sa lupa.
Pag-iibayuhin din ng bagyo ang umiiral na habagat kaya magiging maulan sa malaking bahagi ng ating bansa.