-- Advertisements --
Bahagyang bumagal ang bagyong Ineng habang papalapit ito sa dulong hilagang Luzon.
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 680 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Sa ngayon ay nakataas ang tropical cyclone wind signal number one sa Batanes, Cagayan, kasama ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.