-- Advertisements --
Lalo pang bumilis ang takbo ng bagyong Ineng habang nasa karagatan ng Northern Luzon.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 500 km sa silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 510 km sa silangan ng Calayan, Cagayan.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
May lakas itong 95 kph at pagbugsong 115 kph.
Nakataas ngayon ang tropical cyclone wind signal number two sa Batanes.
Habang signal number one naman sa Cagayan, kasama na ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.