-- Advertisements --
Paiigtingin ng bagyong Ineng ang pag-iral ng hanging habagat habang ito ay patuloy na lumalakas sa silangang bahagi ng Luzon.
Ayon kay Pagasa forecaster Meno Mendoza, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 975 km sa silangan ng Virac, Catanduanes o 1,245 km silangan ng Infanta, Quezon.
May taglay itong lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugso ng hanging 70 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 10 kph.
Pero kahit hindi tatama sa lupa ang bagyo, pinaghahanda ng Pagasa ang mga residente ng western section ng bansa sa malalakas na pagbuhos ng ulan, baha at pagguho ng lupa dahil sa monsoon rain at thunderstorm.