-- Advertisements --
Itinaas na ng Pagasa sa tropical storm category ang bagyong Ineng na nananatili sa silangan ng Southern Luzon.
Huling natukoy ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,135 km sa silangan ng Infanta, Quezon.
May taglay itong lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Dahil sa paglakas nito, asahang titindi pa ang paghatak sa habagat na magdadala ng ulan sa western section ng bansa, kasama na ang Metro Manila.