-- Advertisements --
Lalo pang lumapit sa mga isla ng extreme Northern Luzon ang bagyong Ineng, bago ang inaasahang paglabas nito sa Philippine area of responsibility (PAR) mamayang hapon o gabi.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng severe tropical storm sa layong 140 km sa hilaga hilagang kanluran ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.
May taglay itong lakas ng hangin na 100 kph at pagbugsong 125 kph.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number two sa Batanes at Babuyan Islands.
Habang signal number one naman sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.