-- Advertisements --
Asahang lalakas pa sa mga susunod na araw ang bagyong Ineng na nasa silangan ng Luzon.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 840 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Napanatili naman nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Dahil dito, magpapatuloy ang paghatak sa hanging habagat na makakaapekto sa Luzon at Visayas.