-- Advertisements --
Umaabot na sa 8,765,473 ang kabuuang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa nasabing bilang, 3,620,125 (99%) ang nasa mild condition at 54,800 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.
Ang Estados Unidos pa rin ang nangunguna sa listahan ng mga bansang may kaso ng COVID, kung saan 2,297,190 na ang infected at 121,407 naman ang nasawi.
Pangalawa rito ang Brazil na may 1,038,568 cases at 49,090 fatalities.
Habang pangatlo ang Russia na mayroong 569,063 cases at 7,841 deaths.
Sa buong mundo, umaabot na sa 462,688 ang mga nasawi at 4,627,860 naman ang mga naka-recover.