-- Advertisements --
3F29927B 746B 4D48 B8A4 3AD117DEC232

Pormal nang binuksan ni Senador Lito Lapid sa publiko ang bagong gawang Infectious Diseases Unit (IDU) ng Gat Andres Bonifacio Medical Center sa Tondo, Maynila. 

Naglaan ang mambabatas  ng P30M  sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapagawa ng Infectious Diseases Unit na matatagpuan sa ika-pitong palapag ng hospital. 

Abot sa higit 40 pasyente ang maaaring i-accommodate ng unit na fully airconditioned. 

Nagpasalamat naman si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, mga doktor at nurses kay Sen. Lapid sa kalusugan ng mga Manileño at mula sa ibang probinsya.

Nangako ang Senador  na patuloy na magbibigay ng tulong medikal at ayuda sa publiko na hindi kayang magpagamot sa mga pribadong ospital.

Ang Gat Andres Bonifacio Medical Center ay itinatag noong April 30, 1998 sa pamamuno ni dating Manila Mayor Alfredo Lim, isa sa anim na charity hospitals sa Lungsod at may kapasidad na 100 kama.