Nananawagan si Gabriela Partylist Rep. na si Arlene Brosas sa Wage boards at Krogreso na magkaroon ng umento sa sahod ng mga manggagawa.
Ito ay kasunod ng pag anunsyo ng 50,000 “inflation assistance” sa mga Senador.
“Kung tinatanggap ng Senado na may epekto ang implasyon sa mga kawani nito, dapat lalong tanggapin natin ang realidad na gumuhit ng malubha ang walang tigil na taas-presyo sa mga manggagawa”, ito ay binigyan diin ni Rep. Brosas.
Dagdag pa niya, hindi madali ang 8.7% inflation rate at malaki raw talaga ang epekto nito sa mga ordinaryong mamamayan at minimum wage earners.
Kinakailangan na umamong pag usapan ng Kamara at Senado ang pagdagdag ng sahod para sa mga manggagawa lalong lalo na ng pribadong sektor.
Sa halip raw na madaliin ang deliberasyon ng mandatory ROTC bill, Charter change at Maharlika Investment Fund ay mas kinakailangang pag tuonan ng pansin o ikonsiderang urgent ang panukala sa umento ng sahod ng mga manggagawa.
Asahan umano na sa mga susunod na araw ay maghahain ng panukala ang nasabing partylist para sa umento ng sahod.