Bumaba pang muli ang inflation rate sa bansa sa first quarter ng 2019 at pumasok na rin sa target range ng gobyerno na dalawa hanggang apat na porsiyento.
Ito ay pagkatapos na rin ng tatlong magkakasunod na quarters ng pagbilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin lagpas sa naturang target range na itinakda ng pamahalaan.
Sinabi nitong araw ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Benjamin Diokno na ang inflation ay bumaba pa sa 3.8 percent sa unang quarter ng taon mula sa 5.9 percent na naitala naman noong fourth quarter ng 2018.
Ang latest figure na ito ay kaparehas lamang ng 3.8-percent inflation rate na naitala sa kaparehas na quarter noong nakaraang taon.
“Inflation is now within the target range of the government of 2 to 4 percent,” ani Diokno.
Ayon kay Dikono, ang pagbagal ng inflation rate ay resulta ng “significant drop” sa food inflation dahil sa magdang supply condition.