-- Advertisements --
Price level and inflation infographics from BSP/PSA

Lalo pang humupa ang inflation rate ng Pilipinas sa limang magkakasunod na buwan hanggang noong Marso.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang inflation rate noong Marso ay 3.3 percent.

Ito na ang pinakamababang inflation rate magmula noong Enero 2018.

Sinabi ng PSA na ang paghupa ng inflation rate ay bunsod nang pagbaba ng presyo ng pagkain, non-alcoholic at alcoholic beverages, at tobacco.

Sa Metro Manila, ang naitalang inflation rate ay 3.2 percent, mas mababa kumpara sa 3.8 percent rate na naitala noong Pebrero at 5.2 percent noon namang Marso 2018.

Samantala, ang mga rehiyon sa labas ng Metro Manila ay nakapagtala ng 3.4 percent average inflation rate, mas mababa kumpara sa 3.8 percent noong Pebrero at 4.1 percent noong Marso 2018.

Ang MIMAROPA ang rehiyon na may pinakamataas na inflation rate sa 4.8 percent, habang ang Zamboanga Peninsula naman ang siyang may pinakamababa sa dalawang porsiyento.