
Itinaas ng isang ranking central bank executive ang posibilidad ng within-target na buwanang inflation level bago ang ikaapat na quarter ng 2023, pagkatapos nitong mapanatili ang deceleration nito hanggang noong nakaraang Hulyo.
Bumagal ang rate ng pagtaas ng presyo para sa ikaanim na magkakasunod na buwan noong Hulyo hanggang 4.7 porsyento matapos tumama sa 14-year na mataas na 8.7 porsyento noong Enero.
Umabot kasi ito sa 6.4% noong Hulyo 2022.
Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Francisco Dakila Jr., ang projection na ito ay mas mahusay kaysa sa naunang pagtataya ng mga awtoridad ng nasa loob ng target na buwanang rate simula sa huling quarter ng taong ito.
Sinabi ni Dakila na ang inflation rate ay inaasahang bababa pa sa lower end ng target band sa unang quarter ng 2024 dahil sa mataas na rate sa unang quarter ng taong ito.
Dagdag dito, ang average na inflation sa unang pitong buwan ngayong taon ay nasa 6.8%.
Ang BSP ay nagtataya ng inflation sa average sa 5.4 percent ngayong taon, mas mataas pa rin sa 2-4 percent target band ng gobyerno, sa gitna ng mataas na inflation rate simula noong Enero.