-- Advertisements --
Inaasahang maglalaro lamang sa 1.9 percent hanggang 2.7 percent ang inflation ng Pilipinas sa buwan ng Mayo.
Ayon sa Department of Economic Research ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nakaapekto raw sa inflation ang mataas na presyo ng domestic oil, pagsirit sa presyo ng piling produktong agrikultural dahil sa supply bottlenecks, at sa epekto ng Bagyong Ambo.
“The BSP will remain watchful of economic and financial developments, and stand ready to take necessary policy actions to ensure the delivery of its primary mandate of price stability,” saad sa pahayag.
Noong Abril nang tumaas sa 2.2 percent ang consumer price index mula sa 2.5 percent noong nakalipas na buwan.