Inaasahang bababa pa sa 4 percent ang inflation ng bansa para sa taon na ito kung ang average month-to-month (MoM) price increase ay aabot sa 0.4 percentage points.
Batay sa inflation simulation, sinabi ng Department of Finance (DOF) sa economic bulletin nito na kung ang presyo ng mga bilihin ay tumaas ng hanggang 0.4 percentage points, ang inflation para sa Hunyo ay maaring pumalo sa 3 percent; sa Hulyo, 2.9 percent; sa Agosto, 2.4 percent; sa Setyembre, 1.9 percent; sa Oktubre, 2 percent; sa Nobyembre, 2.6 percent; at sa Disyembre naman ay 3.6 percent.
Kung ang average uptick at pumalo naman sa 0.5 percentage points, sinabi ng DOF na ang inflation ay maaring umabot ng hanggang 5.1 percent o mas mataas pa pagsapit ng Disyembre.
Ang figure na ito ay mas mataas pa kumpara sa target ng gobyerno na 2 hanggang 4 percent para ngayong 2019.
Magugunita na ang May inflation ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay pumalo sa 3.2 percent, mas mataas kumpara sa 3 percent na naitala noong Abril.
Ayon sa DOF ang MoM inflation ay bahagyang bumaba sa 0.17 percent noong Mayo, ,ula sa 0.25 percent noong Abril.