Nananatiling pangunahing national concern sa Pilipinas ang inflation base sa isinagawang Tugon ng Masa survey ng OCTA Research sa 1,200 respondents sa pagitan ng Marso 11 at 14.
Base sa survey, mayorya ng mga Pilipino o 66% ng mga Pilipino ang nagsabing ang pagkontrol sa inflation ang nananatiling pangunahing urgent national concern na dapat agad na tugunan ng Marcos administration.
Ang sunod naman na most urgent concerns ay ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at access sa abot kayang pagkain gaya ng bigas, gulay at karne na nasa 44% bawat isa.
Sinundan ng paglikha ng mas maraming trabaho at pagbaba ng kahirapan na nasa 33% at 20%.
Samantala, nasa 18% lamang ng Pilipino ang tumukoy sa pagbibigay ng libreng dekalidad na edukasyon bilang most urgent nationl concern, 12% sa paglaban sa graft at corruption sa gobyerno at 11% sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan.
Sa survey din maliit na porsyento lamang o 1% ang paghahanda sa pagharap sa mga banta ng terorismo at charter change.