-- Advertisements --

Kumpyansa ang Philippine Statistics Authority na maaaring hilahin pababa ang inflation sa baboy sa sandaling matuloy ang pagtatakda ng Maximum Suggested Retail Price o MSRP sa karneng baboy.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture na ang hakbang na ito ay layong mapababa ang presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan sa bansa.

Batay sa datos ng PSA, nasa 12.1 percent noong Pebrero ang inflation sa baboy .

Naglalaro naman sa P322.45 ang presyuhan ng pork kasim noong nakalipas na buwan.

Sa isang pahayag ay sinabi ni PSA Deputy National Statistician Assistant Secretary Divina Grace Del Prado, makakaapekto ang Maximum Suggested Retail Price o MSRP sa karneng baboy sa galaw ng presyuhan nito.