Naniniwala ang ilang mga negosyante na mas bababa pa ang inflation ng bansa sa darating pang mga buwan hanggang sa kataposan ng taon.
Ito ay dahil umano sa maraming mga produkto ang patuloy na bumababa ang presyo tulad nga ng sa transportasyon at produktong petrolyo na malaki ang naging ambag sa pagbaba ng inflation rate nitong Pebrero na umabot nalang ng 8.6%.
Ayon kay Go Negosyo Founder/Private Sector Lead for Jobs, Joey Concepcion marami pa umanong nagsisibabaan ang presyo kaya positibo siyang magkakaroon ng adjustment sa inflation ng bansa.
Malaki ang nagiging parte ng micro, small, and medium enterprises o MSMEs sa ekonomiya ng bansa.
Ito ay nakaka ambag ng halos 35.7% sa kabuuang halaga na idinadagdag sa ekonomiya.
Sa katunayan, nasa 99.5% ng mga establishments sa bansa ay nasa kategorya ng micro, small, and medium enterprises samantalang 62.8% naman ang sa kabuoang bilang ng mga nagtatrabaho ay mula parin dito.
Matatandaan na ayon sa Social Weather Station survey, nasa 48% ng mga Pilipino ang naniniwala na tataas ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.
Base sa nasabing survey, positibo ang mga tao na mas gaganda pa ang kalidad ng kanilang pamumuhay.