-- Advertisements --
image 18

Inaasahang babagal sa 5.1% hanggang 5.9% ang inflation o ang antas ng pagtaas ng presyo base sa mga bilihin at serbisyo na kinukunsumo ng karaniwang pamilya ngayong Oktubre.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ay sa gitna na rin ng mas mataas na presyo ng kuryente , liquefied petroleum gas , mga prutas at isda.

Dagdag pa ng BSP, maaaring makaambag sa pagsipa ng inflation ang pansamantalang taas pasahe sa dyip.

Maaari din naman na manatiling mababa ang inflation kapag mas bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Matatandaan na bumilis pa ang inflation noong Setyembre sa 6.1% sa kabila pa ng ipinatupad na price cap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2 klase ng bigas na regilar at well-milled rice na madalas bilhin ng mga mamimili.

Top