-- Advertisements --
inflation

Nananatiling pangunahing problema pa rin ng karamihan ng mga Pilipino ang inflation o pagkontrol sa tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa ayon sa lumabas na survey ng Pulse Asia.

Isinagawa ang survey mula Setyembre 10 hanggang 14 kung saan nadiskubre na 74% ng mga Pilipino ang nagsabing ang pagpapahupa ng inflation ang kanilang pangunahing urgent national concern na dapat agad tugunan ng Marcos administration.

Ito ay mas mataas ng 11 percentage points kumpara sa lumabas na survey noong Hunyo.

Ang sentimiyento ng publiko ayon sa Pulse Asia ay hindi nagbabago sa pagitan ng Jun 2023 at September 2023.

Sa lahat ng rehiyon sa bansa, ang pangangasiwa sa inflation ay ang nangungunang problema na tumaas ng 5.3% noong Agosto. Pinakamataas sa Visayas na nasa 80%, sinundan ng Mindanao na nasa 79%, Balance Luzon nasa 72% at Metro Manila nasa 66%.

Nadiskubre din sa survey na ang pagtutol ng publiko sa kung paano pinangangasiwaan ng pamahalaan ang inflation ay tumaas sa 56% noong Setyembre mula sa 37% noong Hunyo. Tanging 16% ang pabor sa pagtugon ng pamhalaan sa inflation at 28% ang undecided.