Bahagyang bumagal ang inflation rate ng Pilipinas noong buwan ng Agosto dahil sa mas mahinang pagtaas ng gastos sa pagkain at transportasyon,
Ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA), magandang development ito.
Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation, na sumusukat sa rate ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at serbisyo, ay bumagal sa 3.3% noong nakaraang buwan, mas mababa kaysa sa 4.4% rate noong Hulyo.
Dahil dito, ang year-to-date inflation print sa unang walong buwan ng 2024 sa 3.6%, pagbagal mula sa 5.3% rate sa parehong panahon noong nakaraang taon at nasa loob pa rin ng threshold ng gobyerno na 2% hanggang 4%.
Bumulusok din ito sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 3.2% hanggang 4% para sa kaparehong period.
Home Top Stories
Inflation para sa Agosto 2024, naitala sa 3.3% – PSA
-- Advertisements --