Inanunsyo ni Philippine Statistics Authority (PSA) Asec. Josie Perez na nakapagtala ng 3.8 percent na inflation rate para sa buwan ng Pebrero.
Ayon kay Perez, mas mababa ito kung ihahambing sa 4.4 percent na nai-record noong Enero 2019.
Sa kanilang data, lumalabas na walang gaanong naging paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo noong nakaraang buwan.
Pero ang halaga umano ng alak at tobacco products ay umakyat ng 0.6 percent mula sa dating 0.2 percent noong January.
Dahil dito, ang February inflation na ang itinuturing na pinakamababa mula noong Marso 2018.
“3.8% is the lowest inflation rate since March 2018,” wika ni Perez.
Ang highest inflation naman ay natukoy sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) na may 5.3 percent at lowest sa Cordillera Administrative Region (CAR) na mayroong 2.5 percent.