Sa ika-pitong sunod na pagkakataon, muling bumagal ang inflation rate ng bansa sa 3.0-percent para sa buwan ng Abril.
Ibig sabihin, nanatiling matamlay ang paggalaw o pagmahal ng halaga ng prodkto at serbisyo sa loob ng nasabing buwan.
Batay sa datos ng Philipine Statistics Authority (PSA), tatlong puntos ang ibinaba ng porsyento mula sa 3.3-percent noong Marso. Habang sa isang porsyento mula sa 4.5-percent sa parehong buwan noong 2018.
Ayon sa ahensya, dulot ito ng pagbagal din ng annual increase sa index ng mga pagkain at non-alcoholic beverages.
Bukod dito, nakaapekto rin daw ang sukat ng mga produkto gaya ng tobacco at alcoholic beverages sa 9.9-percent; damit sa 2.4-percent; mga serbisyo sa bahay gaya ng kuryente, tubig, at gas sa 3.2-percent; kalusugan at medisina sa 3.7-percent; at mga establisyemento sa 3.5-percent.
Kaugnay nito naitala rin ang pagbagal sa inflation sa National Capital Region sa 3.1-percent na bahagyang mababa mula sa annual rate nito noong Marso sa 3.2-percent.
Pinaka-mabagal sa ngayon na paggalaw ng mga presyo ang naitala sa Central Visayas sa 1.3-percent.