Iniulat ngayon ng economic team ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang magandang itinatakbo ng inflation sa bansa.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto na sa huling nai- record na 3.3 percent nuong Isang buwan, ito ay maaari pang maibaba sa 2.1 hanggang 2. 5 sa katapusan ng Setyembre.
Kung pag- uusapan naman ay full inflation rate para sa taong 2024, sinabi ni Recto na tinitingnan nilang makuha ang 3.4 % .
Sinabi ni Recto ang nasabing projection ay mas mababa sa 6.1 % sa unang dalawang taon ng Marcos Administration.
Sa kabilang dako idinagdag ni Recto na kung sakali namang tumaas ang inflation ngayong 4th quarter, ito aniya ay pasok pa din sa 3.1to 3.9 % ng kanilang projection.
Aminado naman si Recto na ang nakikita nilang hamon ay ang mga tinatawag na external challenge gaya ng giyera sa gitnang silangan na kapag lumaki pa ay tiyak na makaka apekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin.