Naitala ang inflation rate ng bansa noong Enero 2025 sa 2.9% ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ay nananatiling nasa parehong lebel noong Disyembre 2024, bagamat bahagyang mas mataas ito sa 2.8% na naitala noong Enero 2024.
Sa isang press conference ngayong araw, iniulat ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang pangunahing nag-ambag ng kabuuang inflation ng bansa o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mga serbisyo ng bansa noong Enero ay ang pagtaas sa mga presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages, mas mataas na housing at singil sa tubig, kuryente, gas at iba pang fuels gayundin sa restaurants at accommodation services
Samantala, naitala naman ang kabuuang food inflation noong Enero 2025 sa 4.0%. Nakitaan ng pagtaas pagdating sa pagkain ay ang karne, isda at gulay partikular na ang pagsipa ng presyo ng kamatis dahil sa epekto ng tumamang mga bagyo noong nagdaang taon.
Subalit, na-offset naman ng negatibong rice price growth ang pagtaas sa presyo ng ibang pagkain at utilities.
Ang rice inflation noong Enero ay naitala sa 12.3% na pinakamababa sa nakalipas na mahigit 4 na taon.
Samantala, ang headline inflation naman noong Enero 2025 ay pasok pa rin sa target range ng Marcos administration na 2% hanggang 4%.