Inflation rate ng rehiyon sa Davao nananatiling mataas
Unread post by bombodavao » Fri Dec 09, 2022 3:29 am
DAVAO CITY – Nanatiling mataas ang inflation rate sa Davao Region kong ikumpara ito sa ibang lugar sa labas ng National Capital Region (NCR), ito ay base na sa inilabas na report ng Philippine Statistics Authority.
Base sa summary inflation sa PSA report na inilabas noong Desyembre 6, naitala ang 9.7 percent inflation para sa buwan ng Nobyembre sa rehiyon onse.
Bagamat bahagyang bumaba ito kumpara sa 9.8 percent nitong buwan ng Oktubre, pero isa umano ang rehiyon na nakatala ng pinakamalaking paglobo ng inflation kung ihahambing sa ibang lugar sa labas ng NCR.
Pangunahing itinuturong dahilan nito ay ang mataas demand na demand ng food and non-alcoholic beverages index na pumalo sa 9.7 percent mula sa 9 percent nitong buwan ng Oktubre, kasama na riyan ang iba pang increase sa ipinapatupad sa ibang commodities.