Inaasahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bahagyang pagbilis ng inflation rate para sa buwan ng Nobyembre.
Ayon sa Department of Economic Research ng BSP, posibleng umabot hanggang 0.9–1.7 percent ang bilis ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Mula kasi sa 0.8 percent na pag-angat sa mga bilihin noong Oktubre, nakitaan ng adjustment ang halaga ng electricity at fuel.
Samantala, lumutang naman ang katatagan sa halaga ng piso kontra sa foreign currency at mababang presyo ng bigas sa pamilihan.
“The BSP Department of Economic Research projects November 2019 inflation to settle within the 0.9 – 1.7 percent range. The increase in electricity rates as well as higher prices of gasoline, LPG, and selected food items are seen as the primary sources of upward price pressures for the month. Meanwhile, inflation could be tempered by lower domestic rice prices and the appreciation of the peso. Looking ahead, the BSP will remain watchful of evolving inflationary conditions to ensure that the monetary policy stance remains consistent with the BSP’s price stability mandate,” saad ng statement mula sa BSP.