-- Advertisements --

Bumilis ang galaw sa presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Marso matapos na pumalo sa 4 percent ang inflation rate sa naturang buwan mula sa 3 percent lang noon namang Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, ang main drivers sa inflation rate noong Marso ay ang food at non-alcoholic drinks; housing, water, electricity, gas, fuels; at transport.

Sinabi ni Mapa na ang inflation rate noong Marso ay milder kumpara sa 4.1 percent noong Marso noong nakaraang taon, pero pasok pa rin naman sa 2-4 percent target band ngayong 2022.

Sa ngayon, ang average inflation para sa 2022 ay 3.4 percent.

Nauna nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang inflation rate para sa buwan ng Marso ay aabot ng 3.3 percent hanggang 4.1 percent.