Pumalo sa 3.8 percent ang inflation rate ng bansa para sa nakalipas na buwan ng Abril.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang nasabing figure ay bahagyang mataas kumpara sa 3.7% na naitala noong buwan ng Marso.
Ang inflation rate ay paraan ng poagsukat sa bilis ng pagmahal ng mga produkto at serbisyo sa partikular na lugar at panahon.
Sinasabing ang matinding epekto ng El Nino phenomenon ay nagkaroon ng malaking ambag upang tumaas ang gastusin ng mga mamamayan.
Pero una nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pasok pa rin sa kanilang forecast ang nasabing inflation rate.
“The April 2024 inflation of 3.8 percent is within the BSP’s forecast range of 3.5 to 4.3 percent. The inflation outturn is consistent with the BSP expectations that inflation could accelerate temporarily above the target range in the next two quarters of the year due to the possible negative impact of adverse weather conditions on domestic agricultural output and positive base effects. Nonetheless, the BSP expects average inflation to return to the target range for full year 2024 and 2025,” saad ng pahayag mula sa BSP.