Iniulat ng National Economic Development Authority (NEDA) na may magandang balita sa usapin ng inflation.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nakikita nila ang patuloy na downtrend ng inflation rate.
Sinabi ni Balisacan na sa susunod na linggo aniya ay iaannunsiyo nila ang final data.
“We are continuing with the downtrend. But we will know the number, I think of Tuesday next week,” pahayag ni Sec. Balisacan.
Batay sa latest na record ng NEDA, bumaba sa 6.6% ang inflation rate nitong Abril, mas mababa sa naitalang 7.6% noong buwan ng Marso.
Binigyang-diin ng socio-economic planning secretary na on-track ang gobyerno para makamit ang target na bumaba ang inflation ngayong taon.
“I think we are, kaya we will announce that next week. Yeah, I think that casually, we observed the moments of crisis recently. I do believe that we are on the downtrend,” ayon kay Sec. Balisacan.
Iniulat naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) nuong May 5 na ang mga presyo ng pagkain ay patuloy sa pagbaba kung saan bumaba ang inflation rate sa 6.6 percent nitong buwan ng Abril.
Dagdag pa ng PSA mahinang inflation sa mga gulay, isda, itlog at mga dairu products,karne at asukal ang siyang nagtulak sa food inflation para maging 8 percent nuong buwan ng Abril mula sa naitalang 9.5 percente nuong buwan ng Marso.