Patuloy ang mabilis na paggalaw ng mga presyo ng bilihin sa bansa noong nakalipas na buwan ng Abril base sa latest data na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Umakyat sa 4.9% ang annual inflation rate sa bansa noong nakalipas na buwan mula sa 4.0% na naitala noong Marso at 4.1% sa kaparehong buwan noong nakalipas na taon.
Lagpas ito sa 2% hanggang 4% target band ngayong taon dahil sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at bilihin.
Hindi ito nalalayo sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas 4.2% hanggang 5.0% na inflation o ang rate ng pagtaas sa presyo ng mga goods at services para sa buwan ng Abril.
Ayon sa central bank, nakadagdag sa mataas na inflation ngayong Abril ang mataas na singil sa kuryente ng Meralco, mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, produktong karne at isda.
Nakikitang makakatulong para ma-offset ang kasalukuyang inflation rate ay sa pamamgitan ng pagbaba ng presyo ng mga gulay at prutas at stable na halaga ng peso.