-- Advertisements --
inflation
FILE PHOTO: Vendors work at a public market in Quezon City, Philippines, August 9, 2022. REUTERS/Eloisa Lopez

Nitong nakaraang buwan ng Abril ay nakitang babagal ang inflation sa bansa kaya naman ang presyo sa ilang mga pampublikong pamilihan ay apektado rin.

Ayon sa projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas posibleng umabot sa 6.3% hanggang 7.1% ang inflation sa buwan ng Abril.

Ito ay kasunod ng pagbaba ng singil sa kuryente, presyo ng isda, gulay at Liquefied petroleum gas.

Kaugnay nito, alamin natin ang presyo ng ilang paninda sa mga pampublikong merkado.

Si Milagros De Leon matagal nang tindera ng mga gulay, ay napansin rin ang pagbaba ng presyo nito merkado.

Ngunit aniya, taas baba raw ang ilan kaya panawagan niya na sana raw ay matulongan ang mga magsasaka upang maging stable na ang presyo nito.

Pagdating naman sa presyo ng isda, ang ilan raw ay bumaba at ang ilan naman ay tumaas.

Samantala, nasa katamtaman naman ang bilang ng mga namimili ng isda sa merkado.

Sa ngayon, patuloy parin nating binabantayan ang presyo ng mga paninda dito sa merkado kung mayroon bang malaking pagbaba o pagtaas.