-- Advertisements --
Naniniwala ang Department of Finance (DOF) na maaaring bumagal na ang inflation sa mga susunod na buwan.
Ito ay dahil sa mararamdaman na ang pagtanggal na taripa sa mga bigas.
Sinabi ni Finance Secretary Ralph Rector na ang pagbaba sa 3.3 percent ng inflation noong Agosto ay dahil sa pagpupursige ng gobyerno para magkaroon ng stabilized ang presyo ng mga pagkain.
Pagtiityak niya na may ginagawang hakbang ang gobyerno para tuluyang mapababa ang presyo ng mga bilihin sa bansa.