-- Advertisements --
Patuloy na tumaas sa loob ng limang magkakasunod na buwan ang inflation, isang sukatan ng pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Central Visayas.
Iniulat dito ng Philippine Statistics Authority (PSA-7) na umabot sa 8.1 percent ang inflation rate sa rehiyon noong Setyembre 2022.
Ito ang pinakamataas na inflation rate na kanilang naitala mula noong Oktubre 2018.
Katulad ng trend sa national level, tumaas ang inflation sa Central Visayas sa 8.1 percent noong Setyembre 2022, mula sa 7.4 percent noong Agosto 2022.
Ipinunto ng mga state statisticians na ang patuloy na pagtaas ng halaga ng pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang gasolina ang pangunahing dahilan ng pinakamataas na inflation rate sa Central Visayas.