Inaasahang walang paggalaw o bumaba pa ang presyo ng ilang mga pangunahing bilihin na naitala nitong buwan ng Hulyo.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) humatak sa pagbaba pa ng inflation rate ay ang mababa ring presyo ng bigas at cooking gas.
Sa statement ng BSP, nagpaliwanag ito na nagpadagdag sa mabagal na pag-angat ng inflation ay bunsod na rin ng malakas na peso kontra sa dolyar at ang pagbaba ng power rates.
Sa pag-aaral ng mga government economist posibleng maitala raw ang inflation rate nitong buwan sa pagitan lamang ng 2% hangang 2.28%.
“Lower rice and domestic LPG prices along with downward adjustment in electricity rates and the recent peso appreciation are seen to temper inflation pressure during the month. These could be partly offset by higher prices of petroleum and food items during the month,” ani BSP statement.
Kung maaalala noong buwan ng Hunyo ay nasa 2.7% at noong Mayo ay nasa 3.2% ang inflation.
Kung maaalala nag-peak ng husto ang inflation rate sa pinakamataas ng 6.7 percent noong Setyembre at Oktubre 2018.
“Looking ahead, the BSP will remain watchful of evolving inflationary environment to ensure that the monetary policy stance remains consistent with the BSP’s price stability mandate.”