-- Advertisements --
Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na maglalaro sa 4.5 percent hanggang 5.3 percent ang inflation o ang pagtaas ng cost of living sa bansa ngayong buwan ng Oktubre.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno na isang dahilan ng pagtaas ng consumer price index ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at ang pagtaas ng presyo ng mga isda at prutas.
Nagkaroon din ng pagtaas ng presyo ng karne ng baboy noong nakaraang mga buwan dahil sa epekto ng African Swine Fever.
Magugunitang noong Setyembre ay bumagal ang inflation na nasa 4.8 percent lamang.