-- Advertisements --

Posibleng mag-peak ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Pilipinas ngayong buwan ng Disyembre ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Felipe Medalla.

Ito ay matapos na umakyat sa 14 year high ang inflation rate noong nakalipas na buwan.

Ang taunang infaltion namn na 8% noong Nobieymbre ay nagdala sa year-to-date rate na 5.6% na lagpas naman sa 2% hanggang sa 4% na target ng central bank para ngayong taong 2022.

Una ng sinabi naman ng Development Budget Coordination Committee na nirepaso nito ang inflation projection para sa 2022 sa 5.8% mula sa dating pagtaya na 4.5% hanggang 5.5% kasabay ng patuloy na pagsipa ng mga presyo ng pagkain at pamasahe sa pampublikong transportasyon.