KORONADAL CITY- Kontrolado na at walang dapat ipangamba sa naitalang influenza outbreak sa mahigit 200 indibidwal sa labing-limang Sitio sa Barangay Ned Lake Sebu, South Cotabato kung saan nasa 4 na mga bata ang nasawi.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Arenz Docdocil, OIC Municipal Health Officer ng Lake Sebu, South Cotabato sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Dr. Docdocil, sa mahigit isandaang sample na ipinadala sa Metro Manila, labing-anim (16) ang nagpositibo sa Influenza B virus na isang seasonal na sakit kung saan nakakaramdan ng lagnat, ubo at sipon ang mga pasyente.
Samantalang, ang iba naman ay nakitaan ng sakit na pneumonia.
Bilang tugon upang agad na mapigilan ang pagdami pa ng mga pasyente ay namahagi ng antibiotic at gamot sa mga apektadong resiente lalo na sa mga Sitio na apektado.
Ipinagdiinan naman ni Docdocil na maaaring magamot ang pasyente na may Influenza B Virus at Pneumonia kung ma-diagnose ng maaga at mabigyan ng gamot.
Ngunit, ang nangyari sa nabanggit na lugar kung bakit may nasawi ay dahil sa sobrang layo sa ospital kayat hindi agad nadal ang nga ito at nabigyan ng lugas.
Ipinasiguro nito na magpaptuloy ang kanilang monitoring upang hindi na maulit pa ang insidente.
Hinihikaya’t din nito ang mga residente sa lugar na agad na ipaalam agad sa kinauukulan kung sakaling nakakaranas ng sakit upang maagapan at madala sa pagamutan.